Monday, May 5, 2008

Idealistic Daw Ako

What I love about my History class is that it allows me to be idealistic, na hindi ko alam na puwede ko palang gawin.

Hindi naman siguro sa saka lang ako nagkakaroon ng care sa inang bayan twing alas diyes y medya ng umaga. It's just that, binubuhay ng Histo ko ang sense of relevance na meron pala ako, hindi lang nailalabas kase nga puro dugo, katawan ng tao, bacteria at chemicals ang pinag-aaralan sa course na to.

Na-"touch" (haha) ako sa sinabi ng Histo prof ko nun na, "It's a pity that you decided to pursue a medical course, you could have done well in the Social Sciences."

At least kahit papano pala, marunong din ako maging articulate. Kahit papano. Haha.

Eniweys, naaaliw na naman ako sa discussion kanina. Eto yung tanong na ibinato ni Sir,

"WITH THE PROFRESSION YOU WILL BE PURSUING IN THE FUTURE,WHAT LEGACY COULD YOU PASS ON TO YOUR FELLOW FILIPINO PEOPLE?"

Madali magsalita. Dami ngang nasabi ng isang kaklase ko kanina eh, na hindi ko naman pinapakinggan. Me nabuo na kasing plano sa utak ko:

LIFE GOALS:

1.Finish up BMLS

2.Take and pass the board exams

3.Work for three years in some hospital for experience

4. Take up Medicine

5. Go abroad and get FILTHY RICH (haha)

6. Go back to the Philippines and build a hospital

Number 6 is so clear to me, in fact so clear that I could almost picture myself walking through the halls of my own hospital. In here, I would pledge to serve my people. Discounted drugs, no professional fee, preferential option for the poor(that is soooo NSTP. haha). Besides, I wouldn't even be needing money by then, remember, I'm already FILTHY RICH. At ang nakakaaliw pa nito, hindi bola ang listahang yan. Just this very day, I have decided to pursue those goals for the rest of my life.

I don't need to do anything heroic (like you know, go up to MalacaƱang and strangle the President) to be able to serve this dang country of bagoong, balut and tokneneng. The only thing that I could ever promise to the Philippines is that someday I'm going to pay back the resources that I have consumed from her while I was being shaped into something significant. I'm not gonna promise to stay, but I'll assure this country that whatever place in the world that I would go into, I will always come back. Come back and build that hospital. (Oh yeah, in case you'll be needing its services in the near future, the edifice is named SIBAYAN HOSPITAL.=p)

See? I do not wish to go and work abroad for the rest of my life. It would be like renovating some stranger's home while yours is still in the slums.

Philippines is my country. Its air was the first air I have ever inhaled. Its land was the first land I ever stepped into. This is where I developed me. Ano ang ibang bansa sa abroad para pagsilbihan ko..SINUSWERTE?

This is why I avoided BS Nursing in the first place. I hated the idea that I would be spending the whole of my significant life somewhere other than the Philippines. Ano yon, studying hard in a Filipino school so you could graduate and hurriedly leave the Philippines? Traitor.

This entry is not just a dream for the Philippines. This is a dream for myself as a Filipino citizen. Until further notice.

Friday, May 2, 2008

Life's Greatest Lessons! (So Far)

bigla kong naisipang mag-reflect sa mga napagdaanan ko sa buhay. Eto kasing comp.shop na pinasukan ko, nagpapatugtog ng "Masdan Mo Ang Kapaligiran". Haha.

1. Never think that you're better than the others. Trust me, you're not.
Oh, eh siguro nga magaling ka. Siguro nga marunong kang pumerfect ng exams, o magaling kang gumawa ng essay. Pero hindi pa rin ibig sabihin non na ikaw na ang pinakamagaling. At hindi ibig sabihin nun na hindi ka puwedeng magkamali. Meron akong katabi sa Logic, na kinaasaran ko pag tanong ng tanong saken ng sagot. Ngayong araw na to, ako naman ang hindi alam ang sagot, at pinakopya niya ko. Failure humbles you. And when you learn to be humble, stay that way.

2.Hate isn't permanent.
Hindi ko sinasabing pag hindi ka galit sa isang tao, mahal mo siya. At hindi ko rin sinabing pag hindi kayo nag-aaway eh best of friends kayo. Pero pwede mo siyang hindi kagalitan, at puwede mo siyang hindi awayin.

Never use the term kinamumuhian to describe your feelings towards one person. Maniwala ka sa kin, deep inside you alam mong hindi naman totoo yon.
Sooner or later, you would compromise. You would realize that he/she is not that bad. At kaya mo ring mabuhay na kasama siya sa mundo mo..kahit papano.

You could like him/her now, then hate her all over again tomorrow. At least, hindi ka nagagalit sa kanya all throughout.

3. Find time to talk to your parents. They may be synonymous to bank account/ATM/pera these days, but you know they are more than that.
And text messages like "Ma, paload ako ng 30" and "Ma, wala na akong pera" doesn't count. Kamustahin mo naman sila. Balitaan mo sila sa mga nangyayari sa'yo. I-assure mo sila na buhay ka pa, at wag silang mag-aalala kasi nag-aaral ka pa naman at hindi ka pa nag-aasawa..so far.

Kung maganda ang takbo ng grades mo, ibalita mo. Sakaling ganahan man lang silang gumastos ng suweldo sa'yo. Sakaling makasiguro sila na hindi sila naglulustay ng pera para lang sa pagpapakyut mo.

Parents mo sila, silly, at hindi lang basta financier. Isipin mo naman sila paminsan-minsan.

4. Smile though your head is aching. It's called grace under pressure.
Oo nga, ginigisa na ng professor mo ang grupo niyong assigned sa reporting. Hindi ka man makasagot ng tama sa mga tanong niya, ngiti ka lang. At least di ba, magaan man lang yung predisposition niya habang binibitay ka. Maibsan man lang ang gutom niya, para di ka pinag-iinitan. Maliwanagan man lang sana ang utak niya, nang matigil na siya sa pagtatanong.

Sunod-sunod ang kabalbalang nangayayari, lalo na pag talagang minamalas ka. Pero hindi ibig sabihin non na pinagtutulungan ka ng mundo. Pero kung ganun man yun, wag kang mag-nervous breakdown. Pagtatawanan ka lang nila.

Ngiti ka lang, kahit pang-asar sa mga tuwang-tuwang nakikita kang nagdudusa. At least, kahit pinahihirapan ka na, nakakaganti ka pa rin.

5. Kalimutan mo na lahat ng kasalanang ginawa sa'yo ng iba. Let go. Move on.
Yung mga kapitbahay mong nang-aasar sayo kasi mabagal kang tumakbo at lagi kang taya sa awambeys.

Yung putek na tumalo sa yo sa quiz bee noong elementary.

Yung xcrush mong pinaglaruan ka lang.

Yung mga nakalaban mo sa honor roll na kumwestiyon sa kakayahan mo.

Yung mga teachers na yinurakan ang pagkatao mo nang paulit-ulit.

Yung mga kamag-anak na lihim ka palang isinusumpa.

Yung mga taong mababa pa rin ang tingin sa 'yo(at walang kinalaman ang height dun)

Yung mga naniniwalang hindi ka magtatagumpay.

..to hell with them. haha, joke lang. Wag mo na silang isumpa. Karamihan sa mga sama ng loob mo, overdue na. Pakawalan mo na yan, sayang ang space sa puso mo. Tapos na ang mga yan, at kung galit ka man sa kanila noon, dapat ngayon hindi na. Masyadong mabigat yan para dalhin hanggang sa puntod mo.

At wag mo na rin silang isiping gantihan. Duh, wag kang ma-feeling. Anong mangyayari kung gaganti ka pa? Wala na.

Learn to let it go. And learn to move on. Mabuhay ka na lang ng masaya. Puwede naman yun.


6. Enjoy life while you can.
I-satisfy mo naman ang mga kagustuhan mo paminsan-minsan. Gusto mo yung librong yun? Bilhin mo kung may pera. Gusto mong manuod ng sine? Manuod ka kung may time ka. Gustong mong mag-boypren? hehe.. Saka na lang pag payag na sila.

Point is, ang ikli-ikli ng buhay. Badtrip naman kung patay ka na, at pag balikan mo ang buhay mo, andami palang bagay ang hindi mo nagawang subukan. Ayaw mo namang magsisi habang sinusunog ang kaluluwa mo sa impyerno, o habang lumilipad-lipad ka na sa langit.

Clicheic,oo. Pero live life to the fullest. Enjoy being young, while you still can. =p



naliwanagan na ang utak ko. naliwanagan na rin ang utak ng taga-manage netong comp.shop, kasi iba na naman ang kanta niya. "SUPAH PAPALICIOUS".

If A=B When The Second Digit of the Number is Odd, Then Therefore I Must Be Delusional

(gawa ko to nung bago ako pumasok ng college. wala lang, gusto ko lang ishare. tinamaan kasi yung isang friend ko sa entry na to. At natawa siya. Marami na rin akong improvements since then. Nasubukan ko nang magka-grado ng 93 sa Algebra, 91 sa Trigonometry na halos isumpa ko dati. Nasubukan ko na ring magkagrado ng 89 sa English at 83 sa Filipino na sobrang minamahal ko noon. Moral Lesson:hate and love are both overrated. Wag mo nang ipa-explain saken kung baket ko nasabi yun. Magbasa ka na lang. )

Natuwa ako nung mabasa ko 'to kanina, it reminds me vaguely of myself, and what i really think about that darned academic subject,,read on!(Note: Excerpts from ABNKKBSNPLAKo?! by Bob Ong)


"..Hindi ko talaga alam kung bakit asar na asar ako sa Math! Sa kindergarten pa lang, inaantok na 'ko pag sinasabi ng teacher, "One apple plus one apple.." Hindi ko alam na Math yun dati, basta ang alam ko, boooorrrring talaga. Pag ganun na nga ang pinag-uusapan, tinititigan ko na lang yung poster ng mga alphabet sa room from A to Z, tapos balik ulit sa A, paulit-ulit hanggang sa matapos ang teacher ko sa pagbilang sa lahat ng sangkap ng fruit salad...
...Buti pa ang alphabet nakakagawa ng equation (c=a+b), ang number ba nakakagawa ng sentence (32 asked 4, 150 if 7 will 69 8)?
...Bababa ba ang bill ko sa internet pag nagfactor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponents ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Laws of Multiplication ang mga krimen sa bansa? Makakabuti ba sa mag-asawa kung alam nila ang sum and difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial, at cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator!...
...pero Math daw ang universal language. May math ang arts, music, science at sports. Math ang time and space. Math ang relo, kalendaryo, mapa, pera, at mundo. Math ang haba, layo, bilis, laki, dami, taas, luwang, bigat, lapad, lalim, at hugis. Math ang katawan ng tao, pyramid, Titanic, Olympic Games, Mt. Everest, Lego, Rubik's Cube, Pacman, Monopoly, jigsaw puzzle, solar system, financial statement, piano, election, lottery, domino, dice, baraha at roleta...
...kaya kung kakain ka sa pizza parlor at mag-isa ka lang wag ipa-slice sa walo ang buong pizza, hindi mo mauubos yon. At kung bibili ka ng kalamansi na tigsi-singkwenta sentimos, tumawad ka muna at itanong kung puwedeng dalawa-piso na lang. Yan ang Math..."
(sabay nosebleed..=p)

Gaya ng gumawa ng article na 'to, ako rin nababaliw-baliw sa Math noong prep school, elementary, high school, magpahanggang sa ngayon.

Naiinis ako pag sinasabi nilang kailangan alam namin ang pagsolve ng ganito para makuha namin ang formula non na siyang sasagot sa prinoproblema naming problem in the first place.

Nakakaasar pag ang sagot ng katabi ko sa quiz eh x=4 habang ang akin eh x=4 raised to negative 10, at wala na akong time na magpalit ng answer kase nagpapasa na sila ng papel.

Nakaka-deflate din ng ego ang subject na yon. Yabang ko pang mag-recite pag Social Studies o kaya English ang subject, pero pagpasok ng Math teacher, tahimik na ko. Yung nakikita ko yung ibang mga kaklase kong pabalik-balik sa board para sagutin ang taeng problem tungkol sa bolang nahulog sa isang building at 60 ft per second, na hindi ko pa rin mainterpret kung bakit namin pinageeffortan sagutin. Yung pagkakandahirap-hirap kong magsolve sa mathematical question na sampung taon na ang nakalipas eh hindi ko pa masagot-sagot, habang yung kaklase kong magaling sa Math eh prente-prente nang naglalaro ng Gameboy sa tabi bago ko pa man madiskubre kung ano yung variables na dapat kong hanapin.

Napapanganga na lang ako habang pinapanood ang mga klasmeyts kong 'ika nga'y "math wizards" na nagbubulungan ng, "Di ba kailangan pag i-factor 'to para makuha yung zeros niya?" "Oo tol. At pag meron na, isubstitute mo na lang yung 2"... habang ako eh nagtatanong sa may gilid nila ng, "Psst..san galing yung 2?"

Ewan ko ba. Pag numbers na ang pinaguusapan, nabobobo na ko. Allergic ata ang utak ko sa equations, at exponents, at polynomials, at derivatives,,at...at..TAE! AYOKO TALAGA SA MAAAAAAAATH!


Pero malas ko. Ayaw talaga akong lubayan ng Math. Bawat galaw may math. Kahit saan ako lumingon, may Math. Kaya siguro ako nahilig sa English Lit. at Grammar kase eto lang ang tanging subject na hindi ko na kailangang mag-multiply, mag-divide, mag-add o mag-subtract para masagot ang mga tanong ko.

Pero wala namang sumiseryoso sa English. Hindi ka naman nilalapitan ng mga kaklase mo pag meron silang hindi masagot na question tungkol sa English. Wala rin atang may care sa mundo kung magaling ka sa spelling. Siguro kase, karamihan ng mga tao sa mundo eh nangangailangan din ng assistance sa Math(at hindi sa English) na kagaya ko.

Malapit na naman ang pasukan, which means, na malapit na naman akong i-torture ng Mathematics. Sa college kaya, mahihirapan pa rin ako ng husto sa subject na 'to?

Ewan ko, pero iniisip ko pa lang ang possibilities, nagdedeliryo na ko.

Wednesday, April 30, 2008

bagong salta

uuuuuuuuy, bagong blog!

hindi ako magpapacheeseburger.

di ko dapat gagawin to eh. ang kulit-kulit kasi ni cha. yan tuloy, nadagdagan ang mga pagkakamali ko sa buhay.

haha. labyu cha. buti na lang pinilit mo ko.
=p